Home

Kami, ang Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party List, ay kumikilala at sumusuporta sa pagsisikap na ginagawa ng media, mga civil society organizations, at maging ng Kongreso ng Pilipinas upang alamin ang katotohanan sa likod ng mga isyung bumabalot ngayon sa Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Dama at batid namin ang pagsasamantala at pang-aabuso sa PDAF. Naniniwala kami na ang labis na kapangyarihang ipinagkaloob sa mga mambabatas at ang kawalan ng sapat na mekanismo upang tiyakin ang pananagutan sa paggasta nito ang ugat ng kasalukuyang mga kontrobersiya. Kaya naman, hindi ligtas sa korapsyon ang pondong dapat ay para sa bayan.

Gayunpaman, kinikilala namin ang kabutihang dulot ng PDAF – solusyon ito upang epektibong maipakalat ang mga programa at proyektong pang-kaunlaran lalo na sa mga ating mga kababayang nasa liblib na mga pook at bihirang nararating ng mga serbisyong pampubliko.

Labis kaming nababahala na nahahatak ang pangalan ng mga non-government organizations o NGOs sa pork barrel scam. Nalulungkot kami sapagkat tunay ang marami sa mga NGOs at batid namin ang kanilang pagsusumikap upang makatulong sa pag-unlad ng ating mga komunidad.

Sinusuportahan namin ang imbestigasyon sa Pork Barrel Scam. Hindi kami papayag na magpatuloy ang pagsasamantala ng iilan sa kaban ng bayan at ang pagdungis sa reputasyon ng mga NGOs. Ipagpapatuloy namin ang paglikha ng mga panukalang batas sa Kongreso upang mapaigting ang isang malinis, tapat, at tuwid na pamamahala ng ating bansa.

axe The Latest

Cibac joins Office of the   Ombudsman in ‘march to righteousness’
Cibac visits Cebu and             Bohol to discuss their platform Cibac launches campaign rally in Batangas
1-160x120 2-160x120 vcm_s_kf_m160_160x120
34 Photos
Feb 11, 2013
28 Photos
Feb 15, 2013
30 Photos
Feb 19, 2013

 Cibac in Action



Follow us on: facebook twitter yt


Press Releases: